Tayo Ang Liwanag: Isang Pasasalamat



— ABB

"Walang nasayang; hindi tayo nabigo. Pinakamahalaga; hindi pa tayo tapos. Nagsisimula palang tayo..."

 

Ang kampo ni Bise Presidente Leni Robredo at Senador Kiko Pangilinan ay magsasagawa ng Pagtitipon ng pasasalamat bukas, Mayo 13, ika-5 ng hapon. Ito ay may pamagat na - Tayo Ang Liwanag: Isang Pasasalamat na gaganapin sa Liwasang Aurora, Quezon Memorial Circle.

(*Edit/Update: Mangyayari na ang pagtitipon sa Ateneo de Manila University Campus sa kaparehong oras - as of 3:52pm, Mayo 12)


Hinihikayat ng kampo ni Bise Presidente Leni Robredo na magsama-samang tumindig at makinig sa isang pasasalamat mula mismo kay Bise Presidente Leni Robredo at Senador Kiko Pangilinan. Nauna nading pinasalamatan ni Bise Presidente Leni Robredo ang kanyang mga taga-suporta at mga nagboluntaryo na nagsagawa ng mga malawakang mga pagtitipon bilang suporta sa kanyang kandidatura.

 

Mga ilang paalala upang mapanatili ang seguridad ng bawat isa sa loob ng pagdiriwang:

- Huwag basta-basta magbigay ng kahit anong pansariling impormasyon sa hindi ninyo kakilala.

- Ipaalam sa iyong mga malalapit na kapamilya at kaibigan kung ano at saan ang iyong dinaluhan. Laging  mag-update sa kanila sa iyong kinaroroonan.

- Huwag lalayo sa grupo ng mga kasama sa pagtitipon.

- Huwag paring kalimutang magsuot ng face mask.


“Sinasabi ko sa inyo ngayon, walang nasayang. hindi tayo nabigo. Pinakamahalaga, hindi pa tayo tapos. Nagsisimula pa lang tayo.” - Bise Presidente Leni Robredo

 

art by: Johannes Suh


 

Comments

Popular posts from this blog

Mendira releases jingle ’Kaya Mo ‘Yan’

Joan Velasquez releases new single ‘Sirang Kaluluwa’

2Pro’s First Webinar on Digital Marketing